Tatlong CCTV Camera Operational na sa Lunsod ng San Pablo

cctv

San Pablo City- May labing tatlo (13) units ng CCTV cameras ang na-install na ng Pamahalaang Lunsod sa iba’t-ibang strategic places ng lunsod. Ang mga CCTV’s ay na-install na sa SPC General Hospital; DLSP; SPC Shopping Mall; City Hall Compound; Eight Storey Bldg.; Social Security System; Schetelig Avenue-Balagtas Blvd.; SPC Medical Center-Maharlika Highway City Cemetery; Sambat Junction-Rizal Avenue; harap ng Bank of Phil. Island; Sambat Junction-Rizal Avenue; SPC Central School; cor. of Bonifacio, Burgos at Regidor Sts. at harap ng Harley’s Hardware.

Sa labing tatlong ito ay tatlo muna ang operational sa kasalukuyan. Operational na ang mga CCTV’s sa SPCGH, DLSP at Shopping Mall. Ang monitoring stations ay sa pamamahala ng PNP-SPC

Ayon kay Mayor Vicente Amante isa na namang mahalagang proyekto ito ng Lokal na Pamahalaan sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Panlunsod sa pamumuno ni Vice Mayor Angie Yang.

Sinabi naman ni City Admin. Loreto Amante ang installation ng mga CCTV ay malaki ang maitutulong sa lalo pang katahimikan, katiwasayan, kaunlaran at kaayusan ng lunsod. Malaki ang maitutulong nito sa lunsod partikular na sa ahensya ng kapulisan para sa agarang paglutas at pagsugpo sa mga krimen at upang maalarma ang mga taong may balak gumawa ng krimen.

Dagdag naman ng butihing punonglunsod malaki rin ang maitutulong nito sa ating ekonomiya at sa pagpapaunlad ng turismo. Maari ng magarantiya ang kaligtasan ng bawat turista o dayuhan na gustong bumisita sa lunsod.

Ayon naman kay VM Yang ang mga modernong teknolohiyang ito ay para sa pangkalahatang kaligtasan ng lahat ng mamamayan ng lunsod. (CIO-SPC)

Share on Facebook · Tweet · Print · To Top TAGS ,

Related Articles

Leave a Message