Pamahalaang Lunsod ng San Pablo Dumaan sa On-Site Validation noong Hulyo 3 para sa gawad ng Pamana ng Lahi
San Pablo City- Pinangunahan ni Mr. Noel Bartolabac, Provincial Director, DILG- Batangas at GPL Validating Team Head, ang ginawang On-Site Validation nuong Hulyo 3 ng hapon na ginanap sa ABC Hall. Ang validation ay para sa performance ng Pamahalang Lunsod bilang isa sa nominado sa “Gawad Pamana ng Lahi”. Ang parangal na ito ay ibinibigay sa isang Local Government Unit batay na rin sa mga innovative programs at projects ng isang bayan o munisipalidad, maayos na implementasyon ng Anti-Red Tape Act of 2007 (ARTA) at mataas na rating mula sa Local Governance Performance Management System (LGPMS) at iba pang criteria.
Ayon kay PD Bartolabac ang kanilang isinagawang on-site validation sa lunsod kasama ang iba’t-ibang provincial heads ng DSWD, DOH, DOA, DILG at iba pang miyembro ng team ay last leg na sa Reg. IV-A.
Dumalo naman sina Vice-Mayor Angie Yang, Councilors Arnel Ticzon at Ed Dizon, City Admin. Loreto Amante at lahat ng Department Heads sa validation. Nagsumite ang mga pinuno ng tanggapan ng mga kailangang dokumento tulad ng mga naipasang code, ordinansa o resolusyon at iba pang required materials.
Pinuri naman ni PD Bartolobac ang presentation ni City Information Leo Abril ng annual accomplishment report ng lunsod para sa taong 2011. Ayon sa kanya “Very substantial concise, and well explained” and nasabing report. Nagreport din ng accomplishment report ang SPC General Hospital sa pamamagitan ni Gng. Elsa Barceloma, Admin. Officer ng ospital. (SPC-CIO)