NBI Sattelite Office muling bubuksan sa Lungsod ng San Pablo

San Pablo City- Sa naisin ni Mayor Vicente Amante na maging economic, convenient at accessible ang pagkuha ng NBI clearance sa mga taga Lunsod ng San Pablo at mga mamamayan sa karatig bayan, ay humiling siya sa Sangguniang Panlunsod na mabigyan ng authority na lumagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng City Government at ng National Bureau of Investigation upang makapagpatayo ng NBI Satellite Office sa lunsod.

Upang maisakatuparan agad ang mga provisions sa MOA ay nagsagawa naman agad ng Committee Hearing si Coun. Dante Amante, Chairman ng Comm. on Gov’t Contracts and Legal Matters nuong June 1. Batay sa nasabing hearing ay June 15, 2012 ang target date ng pagbubukas ng NBI office na ilalagay sa 2nd floor ng SPC Public Market.

Sa isinagawang comm. hearing rin ay sinabi ni NBI Asst. Chief Richard Consuelo na sa mahigit na 800 LGU’S na nag-apply para sa establishment ng NBI Satellite Office, ang San Pablo City ang nakasama sa first batch ng grantees at pangatlo sa Lalawigan ng Laguna.

Sasagutin ng lunsod ang lahat ng gastusin sa paglalagay ng satellite office kasama ang computer software system na may estimated cost n P250,000.00 pati na rin ang iba pang maintenance at operating expenses. Magkakaroon naman ng karagdagang bayad na P50.00 sa lahat ng NBI applicant na magsisilbing miscellaneous fees na gagamitin sa operating expenses ng opisina na authorized sa ilalim ng 2012 Revised Revenue Code.

Lubos naman ang kasiyahan ni City Admin. Loreto Amante na muling makakatulong ang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan ng lunsod at mga karatig bayan na makatipid sa pamasahe at maging convenient sa mga aplikante ng NBI clearance.

Share on Facebook · Tweet · Print · To Top TAGS

Related Articles

Leave a Message