Humigit Kumulang sa 300 Indigents ng Lunsod natulungan ni Vice Mayor Angie Yang mula Enero hanggang Mayo
San Pablo City- May 300 indigents ng lunsod ang nabigyan ng iba’t-ibang serbisyo ni Vice-Mayor Angie Yang mula Enero hanggang Mayo sa taong kasalukuyan bilang bahagi ng Indigency Program ng Tanggapan ng Pangalawang Punonglunsod.
Sa mga mahihirap na natulungan ay may 200 pasyente ang nabigyan ng hospital assistance kung saan ang may 50 pasyente ay nabigyan ng P1,000 at ang may 150 pasyente naman ay nabigyan P1,500. Nagbigay rin sila ng funeral assistance kung saan 50 pamilya ang nabigyan ng P1,000.
May 20 namang katao ang nabigyan ng libreng laboratory services. Nagbigay rin sila ng mga indorsement letters para sa paghingi ng kaunting tulong kina Vice-Pres. Binay at Cong. San Luis.
Ayon naman kay Vice-Mayor Yang patuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng anumang assistance lalo’t higit sa mga mahihirap na taga-lunsod.