Grace and Truth Grand Champion sa Swimming at Taekwondo sa STCAA
San Pablo City- Malugod na pagbati ang ipinaabot ni City Admin. Loreto Amante at Vice-Mayor Angie Yang sa mga mag-aaral ng Grace and Truth Christian College na nagbigay karangalan sa Lunsod ng San Pablo sa pagwawagi bilang Grand Champion sa swimming at taekwando sa nakaraang Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association (STACAA) Competition nuong Pebrero 17-25, 2012 na ginanap sa Sta. Cruz, Laguna.
Nakamit ni Loumeryn Pecho, Grade 6, ang Gold Medal sa limang swimming category. Ito ang 200m individual medley relay, 400m individual medley relay, 400m free stroke, 100m breast at 50m breast stroke.
Gold medal din sa taekwando sina Lloy Dela Paz, Grade 4, sa Category 3 at Marinella De Peralta, Grade 6 sa Category 4.
Mga naging trainors sa swimming ay ang Royal Dolphins at sa taekwando naman ay ang Delta Warriors. Ang mga nasabing mag-aaral ng Grace and Truth ay ang siyang lalahok sa swimming at taekwando competition sa gaganaping Palarong Pambansa. (CIO-SPC)