City Admin Loreto “Amben” Amante nagbigay ng mga libro sa 44 Day Care Centers
San Pablo City- Mahigit sa 3,000 pre-school students mula sa may 44 Day Care Centers ng lunsod ang binigyan ni City Admin. Loreto Amante ng iba’t-ibang klase ng libro nuong June 15 hanggang June 20.
Ang “Special Project of Mayor Vicente Amante and City Admin. Loreto Amante’s Books for Day Care Students” ay naglalayong lalo pang mapataas ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa Day Care Centers sa may 80 barangay ng lunsod.
Limang klase ng libro ng English, Math, Science, Filipino at Writing ang ipinamahagi ng masipag na City Administrator kung saan ang limang libro ay matatanggap ng bawat mag-aaral.
Ang pamamahagi ay hinati sa anim na clusters kung saan 40 na barangay ang nabiyayaan ng libreng libro. Ang proyektong ito ay matagumpay na naisagawa sa pakikipagtulungan ng Office of the Social Welfare and Dev’t sa pangunguna ni Social Welfare Officer Grace Adap, mga Barangay Officials at Day Care Workers. Kaugnay rin ng proyektong ito ay namigay na rin si City Admin. Amante ng may 6,000 libro at 3,000 school bags nuong nakaraang Day Care Graduation.