Birth Certificate Mahalaga — City Admin. Amben Amante

San Pablo City-Nagpapaalala si City admininistrator Amben Amante sa lahat ng mga magulang na napakahalaga ang pagkakaroon ng birth certificate ang bawat batang isisilang. Sapagkat ang birth certificate ay isang napakahalagang requirement sa pagpasok sa paaralan; sa pag-apply ng trabaho; kung mag-aasawa; pagkuha ng Philhealth, SSS o GSIS at passport at sa iba pang mahahalagang pangangailangan.

Kaya nananawagan ang butihing city administrator na iparehistro agad ang mga bagong silang na bata sa nalolooban ng 30 araw simula sa araw ng pagsilang nito. Magtungo lamang sa Local Civil Registry Office sa tabi ng Vice-Mayor’s Office para sa registration.

Ang panawagang ito ni City admin. ay bahagi narin ng pakikiisa ng Lunsod sa pamamagitan ng Local Civil Registry Office sa pagdiriwang ng Civil Registration Month ngayong Pebrero.

Ayon naman kay Local Civil Registrar Benedicto Danila pagkalipas ng 30 araw ay sasailalim na sa prosesong late registration ang mga sanggol kung saan nangangailangan pa ng ilang requirements. Kailangan pa ng Certificate of No Record of Birth mula sa NSO at LCR, original na baptismal certificate, Form 137 sa school, marriage certificate ng magulang, barangay certification, joint affidavit mula sa dalawang magpapatunay na alam ang petsa ng kapanganakan, cedula ng magulang at iba pa.

Kaya panawagan nina City Admin. Amante at Local Civil Registrar Danila upang hindi na dumaan sa mahaba at medyo matagal na proseso sa registration ng mga bata ay kailangang ipatala agad ang mga ito sa loob lamang ng 30 araw simula sa araw na ang mga ito ay isinilang.

Share on Facebook · Tweet · Print · To Top TAGS

Related Articles

Leave a Message