Askal Lunch – Spay / Neuter program, Isinagawa ng City Vet Office

dog-ant-cat-icon-vector-677767

San Pablo City- Sa pamumuno ni City Veterinarian Farah Orsolino at kanyang mga staff ng City Veterinary Office ay nagsagawa sila ng spay o castration at neuter o ligation sa mga aso at pusa nuong June 16, 2012 mula 8:00 am-2:00 pm sa Lobby ng SPC Shopping Mall and Public Market.

May walong aso ang nabigyan ng libreng anti-rabies vaccination na isinagawa sa main lobby ng shopping mall. Samantalang tatlong pusa at dalawang aso ang sumailalim sa castration na isinagawa naman sa 3rd flr. ng nasabing mall.

Matagumpay na naisagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng Animal Kingdom Foundation sa pangunguna nina Dr. Rico Pangan, Dr. Roland Arcega, Dr. Rainier Garcia, Luis Buenaflor, Jr., Jacky Recana at Kristine Ann Bien.

Share on Facebook · Tweet · Print · To Top TAGS ,

Related Articles

Leave a Message