7th Tilapia Festival, Masayang Ipinagdiwang ng Lunsod ng San Pablo
San Pablo City-Sa pangunguna nina G. Edison Jaramillo, Seven Lakes Fisheries & Aquatic Resources Management Council (SLFARMC) President sa (SLFARMC), Mayor Vicente Amante at City Admin. Loreto Amante, ay masayang naipagdiwang ng lunsod ang 7th Tilapia Festival noong Mayo 31, 2012 na ginanap sa Sampalok Lake. Ang matagumpay na Tilapia Festival ay sa pakikipagtulungan rin ng City History, Arts, Culture and Tourism Office sa pangunguna ni City Tourism Officer Lavinia Nunag at mga tourism staff na sina Donnalyn Eseo at Ana Fabula.
Pagkatapos ng maikling programa ay nagkaroon ng Salo-salong Bayan kung saan lahat ng mga dumalo ay binigyan ng binalot na kanin sa dahon na may kasamang pritong tilapia.
Highlights naman ng pagdiriwang ang patimpalak na Diwata ng Pitong Lawa na ginanap sa Lions Clubhouse. Itinanghal na Diwata ng Pitong Lawa si Jamaica Buensalida ng Calibato Lake; 1st runner-up-Maricris ng Bunot Lake; 2nd runner-up-Ronalyn Lucia ng Mohikap Lake; 3rd Runner-up-Jarisel Abnego ng Pandin Lake; 4th Runne-up-Janine Javier ng Yambo Lake; 5th Runner-up-Bernamel Banaag ng Sampalok Lake at 6th Runner-up-Mikee Exconde ng Palakpakin Lake.
Sa isinagawa namang iba’t-ibang events ay muli na namang nag-Champion ang Calibato Lake sa isinagawang 4k Relay Race, 1st Runner-up ang Sampalok Lake at 2nd Runner-up ang Mohicap Lake. Sa Balsa Regatta-Men’s Division naman ay Palakpakin Lake ang Champion, 1st Runner-up-Mohikap Lake at 2nd Runner-up-Pandin Lake. Sa Women’s Division naman ay Champion ang Pandin Lake, Yambo Lake-1st Runner-up at Palakpakin Lake-2nd Runner-up. Sa Mix-Doubles ay Champion ang Mohikap Lake, 1st Runner-up –Palakpakin at 2nd Runner-up-Bunot Lake. Samantalang sa Tug of War na ginawa mismo sa tubig ng Sampalok Lake ay nag-Champion ang Mohikap Lake, Bunot Lake-1st Runner-up at Palakpakin Lake-2nd Runner up.
Sa Tilapia Cookfest naman ay Champion ang “Pinaputok na Tilapia” ng Palakpakin Lake; 2nd place ang “Ginataan with Pako” ng Mohikap Lake at 3rd Place ang “Afritada” ng Sampalok Lake.
Tumanggap ng cash prizes at trophy ang mga nagwagi. Ang Diwata ay tumanggap ng P2,500; P1,500 sa 2nd at 3rd runner ups at P500 sa iba pang kandidata. Sa mga lumahok naman sa mga games ay P2,000 sa champion, P1,500 sa 1st runner-up at P1,000 sa 2nd Runner-up. At sa cookfest naman ay P1,000 sa champion, P700 sa 2nd at P500 sa 3rd place.