200 Kababaihan lumahok sa Breast Cancer Awareness Seminar nina VM Yang at City Admin. Amante
San Pablo City- Humigit kumulang sa 200 kababaihan ang dumalo sa isinagawang Breast Cancer Awareness Seminar noong Marso 23 na ginanap sa San Pablo Central Gym, bilang isa sa mga programa nina Vice-Mayor Angie Yang at City Admin. Amben Amante sa Buwan ng Kababaihan.
Matagumpay na naisagawa ang programa sa pakikipagtulungan BM Angelica Jones na siyang nakipag-ugnayan kay Sen. Loren Legarda ng “Bessie B. Legarda Memorial Foundation” upang maisagawa ang On-site Clinical Breast Examination, Risk Factors Assessment at Consultation sa nasabing seminar.
Sa ga dumalong kababaihan may 120 ang sumailalim sa breast examination sa pagsusuri ni Dra. Cristina Lim Santos, Pangulo ng Gift2Life Inc., isang non-profit health care catalytic innovator. Si Dra. Santos na nakabase sa East Medical Center ay siya ring resource speaker sa seminar at eksperto sa sakit na breast cancer.