11 Outstanding Day Care Workers ng San Pablo City Pinarangalan sa Sta. Cruz, Laguna
San Pablo City- May labing-isang (11) Day Care Workers ng San Pablo City ang binigyan ng Outstanding Awards nuong June 8, 2012 sa Sta. Cruz, Laguna bilang bahagi ng Day Care Workers Week Celebration mula June 8-15 na may temang Day Care Worker Kaagapay ng Pamilya at Pamahalaan sa Pagpapatupad ng “Early Childhood Care and Development Program (ECCD)”.
Mula sa 79 Day Care Workers ng lunsod ay napiling outstanding DCW sina Ma. Aurora Aranez (34 yrs), Lily Beltran (34 yrs.), Yolinia Nolasco (34 yrs), Sandra Bondad (31 yrs), Cecilia Deogracias (30 yrs), Mercedes Patulot (30 yrs), Elsa Comia (30 yrs), Ester Elindo (28 yrs), Raqyel Calabia (27 yrs), Marina Luz Celino (27 yrs) at Sulpicia Teston (27 yrs).
Ang pagbibigay ng parangal ay dahilan na rin sa kanilang magandang performance at loyalty sa serbisyo bilang mga guro ng mga pre-school students. At upang magkaroon naman ng pagkakataon upang magsaya at magkasama-sama ang lahat ng Day Care Workers ng lunsod ay nagkaroon sila ng Summer Outing sa Boying Resort, Brgy. Sto. Angel.